About Sentro ng Wika, Kultura at Sining
Ang Sentro ng Wika, Kultura at Sining (SWKS) ay nagsisilbing pangunahing tanggapan sa pagpapaunlad, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng wikang Filipino, kulturang Pilipino, at sining sa loob ng paaralan at komunidad. Layunin ng SWKS na magsagawa ng mga proyekto, seminar, at aktibidad na magpapalalim sa pag-unawa at pagpapahalaga ng mga estudyante at guro sa sariling wika, kultura, at sining.
Nakikipag-ugnayan ang SWKS sa iba’t ibang departamento upang maisulong ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng pamayanang Pilipino tungo sa makabago ngunit makabayang pag-aaral at pagkilos.